IED factory, nadiskubre ng military sa Maguindanao

198
COURTESY: 2nd Mechanized Infantry-MAKASAGBattalion FB

Isang pabrika ng Improvised Explosive Device (IED) ang nadiskubre ng tropa ng pamahalaan habang nasa combat clearing mission sa Maguindanao noong Biyernes.

Natagpuan ang pabrika ng 1st Mechanized Infantry Battalion sa Sitio Talpok, Barangay Salman, Ampatuan.

Narekober dito ang isang round 105mm unexploded ordnance, isang 60mm unexploded ordnance, ilang IED components gaya ng fuse, switch, blasting caps at shrapnel at mga propaganda materials.

Umapela naman si Western Mindanao Command Commander Lt. Gen. Corleto Vinluan Jr. sa publiko na manatiling mapagmatiyag at agad na i-report ang mga kahina-hinalang bagay o indibidwal sa kanilang lugar.

Facebook Comments