General Santos City—isang Improvise Explosive Device (IED) ang narekober ng pulisya sa isang bahay sa Doña Solidad, Barangay Labangal, Gensan kasabay ng isinagawang Search operation alas 5:00 kaninang madaling araw.
Ang bahay ay pagmamayari ni Aling Donsol at nirentahan ng target sa Search Operation na si Mushala Rasim, nasa tamang edad at hinihinalang kasapi ng teroristang grupo.
Sinabi ni Police Sr. Supt. Raul Supiter, City PNP Director ng Gensan City Police office na may natanggap silang Intel report na may nakapasok na myembro ng terorista sa Gensan na galing ng Sultan Kudarat.
Dahil dito, inalam ng pulisya ang nasabing impormasyon at natonton ang nirentahang bahay ng suspek, kaya nag apply ng search warrant ang pulisya korte.
Nakuha sa nirentahang bahay ng nasabing suspek ang IED na may nakakabit na mga components na kinabibilangan ng mga wires, Cellphon, White Battery Solution, Christmas Lights at marami pang iba.
Hindi naman naaresto ang suspek dahil nakatakas ito bago paman nakarating ang mga pulis. Dagdag pa ni Police Sr. Supt. Supiter na konektado si Rasim sa Indonesian National na si Omar Abu na sinasabing kasapi ng ISIS na una nang naaresto sa Palimbang, Sultan Kudarat noong nakaraang buwan.