IED sa Datu Hoffer at Datu Unsay nagkalat na, 1 militar 3 sibilyan sugatan

Isang military ang nasawi habang tatlong mga sibilyan ang wounded sa nangyaring magkahiwalay na IED Explosion sa Maguindanao .

Unang naitala ang IED Explosion pasado alas 6 kahapon ng umaga sa Decalungan Bridge na nagdurugtong ng mga bayan ng Datu Hoffer at Ampatuan resulta ng pagkakasugat ng 3 katao na nooy sakay lamang ng dumaraang fish car. Sinasabing kabilang sa naging wounded ang isang 10 anyos na bata.

Samantala dead on the spot rin ang isang Private First Class Ian Celeste ng 57th IB matapos masabugan ng IED habang nagsasagawa ng clearing sa highway ng Brgy Maitumaig Datu Unsay pasado alas otso kahapon ng umaga.


Maliban sa mga pagkakarecover at pagsabog ng mga IED na kalimitang may sangkap ng mga pako at black powder, wala ring puknat ang mga pambubulabog ng mga Bangsamoro Islamic Freedom Figthers sa mga army detachment ayon pa kay Task Force Central Spokesperson Col. Gerry Besana.
Matatandaang di bababa sa sampung mga elemento ng PNP at army ang naging wounded maliban pa sa mga nasawi dahil sa IED Explosion sa nakalipas na mga araw sa mga nabanggit na bayan.

Kaugnay nito nagsagawa ng Joint Municipal Peace and Order Council Meeting kahapon ang mga LGUs ng Datu Unsay, Datu Hoffer at Datu Saudi kasama ang mga opisyales ng military at PNP.

Sinasabing nauna ng idineklarang under state of calamity ang Datu Unsay dahil sa nangyayaring kaguluhan simula pa nung bisperas ng pasko resulta ngpaglikas ng libong indibidwal habang nakatakda na ring magsagawa ng PPOC ngayong araw ang liderato ni Maguindanao Governor Esmael Mangudadatu.

Facebook Comments