iFM Cauayan, Handa na sa BloodLetting Activity Bukas!

38

Cauayan City, Isabela- Handang handa na bukas ang nakatakdang Bloodletting Activity na isasagawa ng Ifm Cauayan sa pakikipagtulungan ng Philippine Red Cross- Isabela Chapter sa SM City Cauayan. Bilang bahagi ng CSR ng RMN para sa mamamayan.

Sa naging panayam 98.5 Ifm Cauayan kay Ginang Stephanie Cabrera, Pinuno ng Red Cross Isabela Chapter, kanyang inisa isa ang mga benepisyo na maaring makuha sa pagdodonate ng dugo gaya ng paglakas ng ating resistensya laban sa nga sakit na maaaring dumapo sa isang indibidwal.,alayong magkaroon ng sakit na kanser at iba pa.


Dagdag pa aniya na makakatulong ng malaki ang bloodletting ng istasyon sapagkat malaki umano ang pangangailangan ng dugo dito sa lalawigan lalo na sa mga regular na may sakit gaya ng mga nag dadialysis.

Makikiisa rin sa naturang programa ang Philippine Army, PNP, Reservist, mga indibidwal na masugid na tagapakinig ng iFM Cauayan.

Facebook Comments

From Advertisers