Bilang pagdiriwang ngayong Agosto 28 ng ika-pitumput isang anibersaryo ng Radio Mindanao Network (RMN), nagsagawa ang iFM Dagupan ng medical and dental mission na may temang Mission 2023: Handang Tumulong Sa’yo na ginanap noong Sabado, ika-26 ng Agosto sa Dagupan’s People City Astrodome.
Mahigit-kumulang tatlong daan residente mula sa ibang bayan at lungsod ang nabibiyayaan ng medical check up & dental services tulad ng tooth extraction at cleaning o fluoride sa tulong ng Region 1 Medical Center at PNP Pangasinan Medical & Dental Team.
Nabiyayaan rin ng libreng gupit ang mga bata at may edad na bilang handog na serbisyo sa publiko sa tulong Maxima Technical and Skills Training Institute Inc. mula sa TESDA Pangasinan.
Kaalinsabay nito, ang Ma. Corrina Canoy Feeding Program sa pamamahagi ng mainit na lugaw para sa mga beneficiaries na dumalo sa nasabing programa
Sa kabilang banda, nabiyayaan din ang mga dumalo ng mga gamot, vitamins, alcohol, ointments, toothpaste, sapatos o tsinelas at iba pang produkto mula sa public expo services.
Samantala, lubos naman ang naging pasasalamat ng IFM Dagupan sa mga food at water services para sa mga volunteers at mga partners na tumulong upang maging posible ang aming misyong makatulong sa publiko.
Kaya naman mula dito sa iFM Dagupan, kami ay taos pusong nagpapasalamat sa lahat ng mga nakiisa at naging partners ng aming misyon at serbisyo ngayong taon. |ifmnews
Facebook Comments