BANGKAY NG ISANG GINANG SA BINALONAN, NATAGPUANG PALUTANG LUTANG SA ILOG

Natagpuang palutang lutang sa ilog na ang katawan ng isang ginang sa bayan ng Binalonan.
Ang biktima ay nakilalang si Estela Gayao residente ng Brgy. Moreno sa nasabing bayan.
Ayon sa imbestigasyon napansin umano ng mga kaanak ng biktima na ito ay wala sa kanyang kwarto pasado alas onse ng Gabi.

Kinaumagahan ay nakita na itong palutang-lutang sa Alibeng River malapit sa kanyang bahay.
Isinugod pa ito sa pagamutan subalit idineklarang Dead on Arrival habang patuloy pa ang imbestigasyon sa pagkalunod ng nasabing biktima. |ifmnews
Facebook Comments