Pinasalamatan ni outgoing Regional Director PBGEN Emmanuel Peralta ang IFM Dagupan bilang katuwang ng Police Regional Office 1 sa pagbibigay serbisyo publiko.
Sa naging turn-over ceremony, sinabi ni Peralta na lubos itong nagpapasalamat sa radio-based program na “ISUMBONG MO SA PRO1” na siyang naging daan upang maipaabot ang plans, programs at accomplishments ng hanay ng pulisya sa rehiyon sa kampanya laban sa kriminalidad, paghahanda sa eleksyon, pagtulong sa mga residente ng rehiyon at paghahanda sa eleksyon sa kasagsagan ng pandemya.
Binigyang diin ni Peralta na ang naturang programa ay inirerepresenta ang buong PRO1 at hindi lamang ng Regional Director, Provincial Director o ng isang hepe.
Naging daan din umano ang IFM Dagupan upang mailunsad ang kauna-unahang Kapihan sa PRO1 na siyang tumalakay sa security operations sa darating na halalan.
Ang ISUMBONG MO SA PRO1 ay napapakinggan at napapanood sa facebook page ng IFM Dagupan tuwing linggo sa oras ng 8:00 hanggang 9:00 ng umaga.
Matatandaang lumagda ng Memorandum of Understanding si Idol Mark Espinosa, station manager ng IFM Dagupan at si PBGEN Emmanuel Peralta noong buwan ng oktubre para sa nasabing programa.
Pinamunuan ni Peralta ang PRO1 ng 391 days o isang taon at isang buwan at ngayo’y itatalaga na sa Camp Crame bilang Directorate for Human Resource and Doctrine Development (DHRDD). | ifmnews