IFM KANTA TOUR VIDEOKE CHALLENGE, MATAGUMPAY NA ISINAGAWA SA LUNGSOD NG DAGUPAN

Matagumpay na isinagawa ng IFM Dagupan ang Kanta Tour: Videoke Challenge upang magbigay saya at papremyo sa mga residente ng Brgy. Pantal, Dagupan City nitong ika-4 ng Marso 2023.
Kantahan, sayawan sa indak ng musika, ngiti at halakhak ang makikita sa mga residente sa kabila ng kanilang pinagdadaanang kahirapan at pagkasunog ng ilang kabahayan, kamakailan lamang.
Apat na masusuwerteng Idol ang nakatanggap ng papremyong cash prize, ACS products at grocery gift pack hatid ng RMN at Starwax Floorwax, Kintab to the Max!

Itinanghal bilang kampeon ng IFM Kanta Tour Videoke Challenge si Victoria Laruco na sinundan ni Mary Grace Mayo, Adela Maninding at Reynalyn De Guzman, pawang mga residente ng Brgy. Pantal.
Samantala, kaalinsabay ng Kanta Tour ang Ma. Corina Canoy Feeding program sa paghahatid ng serbisyo sa kumakalam na sikmura ng mga residente, katuwang ang 4th District Congressman at PNP Dagupan.
Layunin ng nasabing programa na maghatid ng saya at galak sa mga residente na isa sa pangunahing misyon ng mga taong nasa likod ng radyo.
Kaya sa mga Idol nating nakiisa, naway napunan ng saya at nabusog kayo ng aming taos pusong pagmamahal! |ifmnews
Facebook Comments