3 barko ng China kabilang ang isang Naval vessel, itinaboy ng PCG sa bahagi ng Itbayat, Batanes

Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na tatlong barko ng China ang namataan sa Batanes, sa gitna ng isinasagawang Balikatan Exercises sa Laoag City Ilocos Norte.

Ayon sa PCG, umaaligid ang Naval vessel ng China sa isla ng Itbayat, habang may dalawa ring Chinese flagged vessels na namataan.

Agad naman daw nagtungo ang BRP Melchora Aquino para itaboy ang barko ng China gaya ng pagsasagawa ng radio challenge.


Kalaunan ay umalis din ang Naval vessel ng China sa karagatan ng Itbayat.

Muli namang nanindigan ang PCG na hindi sila magpapatinag sa mga pambu-bully ng China at tiniyak ang patuloy na pagbabantay para sa seguridad ng military exercises.

Facebook Comments