IFM LIBRENG SAKAY BANKA EDITION, ISINAGAWA SA MGA RESIDENTE NG BARANGAY CALMAY AT CARAEL SA LUNGSOD NG DAGUPAN

Kita sa mga residente ng Brgy. Carael at Calmay ang ngiti sa kanilang mga labi at lubos na pasasalamat sa libreng sakay banka edition ng IFM Dagupan, kahapon ika- 17 ng Abril 2023.
Malaking tulong para sa mga estudyante at mga nagtatrabaho sa city proper ang nasabing libreng sakay sapagkat nakakabawas ito sa kanilang gastusin sa araw araw.
Samantala, noon pa man ay nagpapalibreng sakay na ang istasyon para sa mga Idol natin, pero ito ngayon ang kauna unahang libreng sakay para sa mga Idol natin tumatawid sa mga Barangay Island.
Asahan sa Lunes, sa Barangay Salapingao at Pugaro na naman ang mahahandugan ng libreng sakay Banka Edition na bukal sa pusong serbisyo ng IFM Dagupan.
Kaya sa mga Idol natin sa Barangay Island, halika nat abangan kami tuwing Lunes para sa aming libreng sakay Banka Edition sa inyong mga Barangay.
Facebook Comments