IFM PAKALOG BINGO GAME, HATID AY SAYA SA MGA RESIDENTE NG BRGY MALUED DAGUPAN CITY

Naghatid ng saya at papremyo ang IFM Dagupan sa isinagawang IFM Pakalog Bingo Game sa mga residente ng Brgy. Malued, Dagupan City nito lamang ika-22 ng Abril 2023.
Hiyawan at sigawan ang makikita sa mga residente sa tuwing kinakalog ang lagayan at sinasambit ang letra’t numero sa nasabing bingo game.
Ang Bingo Game ng IFM ay may apat na sequence of pattern, una ang I, ikalawa ang F pangatlo naman ang M at ang huli sa lahat ay ang Blackout.

Samantala sa bawat makakabuo ng pattern ay may kalakip na papremyo, tulad na lamang kapag ang unang nakabuo sa pattern na I ay makakatanggap ng cash prize, sa F at M naman ay grocery gift pack, at kapag Blackout ay mauuwi nito ang grand prize na isang sakong bigas.
Natanggap ni Idol Evelyn Decano ang cash prize, Idol Roque Ragutana at Leslie Credo ang grocery gift pack at si Idol Imelda Mendigolin naman ang 25 kilos na bigas.
Samantala, kaalinsabay ng IFM Pakalog Bingo Game ay ang Ma. Corina Canoy Feeding program sa paghahatid ng serbisyo sa kumakalam na sikmura ng mga residente.
Layunin ng nasabing programa na maghatid ng saya at galak sa mga residente na isa sa pangunahing misyon ng mga taong nasa likod ng radyo.
Kaya sa mga Idol nating nakiisa, naway napunan ng saya at nabusog kayo ng aming taos pusong pagmamahal! |ifmnews
Facebook Comments