IGALANG | Speaker Alvarez, umapela sa simbahan na i-respeto ang karapatan ng publiko sa pagkakaroon ng diborsiyo sa bansa

Manila, Philippines – Umaapela si House Speaker Pantaleon Alvarez sa Simbahang Katolika na i-respeto ang gobyerno na protektahan ang karapatan ng publiko sa isinusulong na absolute divorce and dissolution of marriage.

Ayon kay Alvarez, nakikiusap siya sa simbahan na igalang ang obligasyon ng pamahalaan na maisulong ang interes ng bansa lalo na sa usapin ng pagkakaroon ng diborsiyo sa Pilipinas.

Tiniyak ng Speaker na ganun din naman ang gobyerno na igagalang ang responsibilidad at obligasyon ng simbahan na pagpapangaral at panghihikayat sa mga mag-asawa na isalba ang pagsasama at ang pagpapamilya.


Pero huwag naman sana aniyang gawin ng simbahan na idamay ang ibang mga relihiyon na maluwag sa pagtanggap sa diborsiyo.

Malaya naman aniyang magagawa ng mga relihiyon sa bansa kung hindi talaga kikilalanin ang diborsyo pero huwag sanang tutulan ang responsibilidad ng estado sa kanyang mamamayan.

Facebook Comments