Manila, Philippines – Iginagalang ng Palasyo ng Malacañang ang desisyon ng Department of Justice na pigilan ang pagbawi ng Bureau of Immigration sa missionary visa ni Sister Patricia Fox.
Matatandaan na sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na bagamat sa ilalim ng Philippine Immigration laws ay may kapangyarihan ang BI sa pag-regulate sa pagpasok at pananatili sa bansa ng mga dayuhan pero ang visa forfeiture aniya ay hindi sakop ng powers ng kagawaran.
Inatasan din ni Guevarra ang Bureau of Immigration na muling pagaralan ang kaso ni Sister Fox.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, anoman ang desisyon ng DOJ sa issue ay iginagalang nila ito.
Hindi na naman nagbigay pa ng mas mahabang pahayag si Roque ukol sa kaso ni Sister Fox.
Matatandaan na naglabas ang BI ng forfeiture order laban kay Sister Fox dahil sa pagsali nito sa mga kilos protesta ng mga militanteng grupo na hindi pinapayagan ng batas na binatikos din naman ni Pangulong Rodrigo Duterte.