Mutya ng Cotabato 2018 Pageant Night inaabangan na!

Handang handa na ang Perfect 8 o Mutya ng Cotabato 2018 Candidates para sa gagawing Pageant Night sa June 19, 2018 sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex, sa ORG Compound.
Kaugnay nito maari ng makabili ng ticket ang publiko para sa coronation night sa City Tourism Office sa halagang 100 pesos ayon pa kay Ms. Halima Satol, City Information Officer.
Inaasahang masasaksihan ang nag uumapaw na mga kagandahan ng Perfect 8 na kinabibilangan nina GERALDINE BORNASAL, MERAH TABUNAWAY, KAREN DELA ROSA, MICHELLE GLIMADA, PRINCESS LALAINE HO, JUSTINE IKKAH GONZALES, KHRIZIA VILLA, at JUSTINE GOMEZ .
Tinanghal namang Best in Talent si Justine Ikkah Gonzales sa katatapos lamang ng Talent Show noong June 17 sa SouthSeas Convention.
Sinasabing mas pakikiligin pa ang gabi ng mga Mutya ng mga artista na sina Daniel Matsunaga, Juliana Palermo at Gabby Conception at ilang pang mga surprise guests.

Inaanyayahan naman ng City LGU ang lahat na saksihan ang Pageant Nigth, ang Mutya 2018 ay kabilang sa highlight ng ika 59th Araw ng Cotabato sa June 20.
PIC: YGA

Facebook Comments