Manila, Philippines – Patunay ang 6.7 percent inflation rate nitong Oktubre na talagang mapaminsala ang TRAIN law lalo na sa mga mahihirap.
Ayon ito kay Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate.
Sabi ng Mambabatas – nangangahulugan din ito na bigo ang gobyerno sa anti-inflationary measures nito.
Posible pa nga raw itong tumaas sa huling quarter ng taon dahil na rin sa pagtaas ng singil sa tubig at pamasahe.
Binatikos din ni Zarate ang P25 wage increase para sa mga manggagawa sa ncr na aniya ay kulang na kulang para makaagapay sa pamumuhay ng mga Pilipino.
Aniya – para makapamuhay ng marangal sa Metro Manila, kailangan ng isang pamilya na may limang miyembro ng isang libong piso kada araw.
Dahil dito, patuloy ang panawagan niya na alisin ang 12 percent Value Added Tax sa mga produktong petrolyo, singil sa tubig at kuryente gayundin ang pagsasabatas ng P750 national minimum wage.