IGINIIT | Barangay officials sa narco list, pinapakasuhan nina Senators Honasan at Gatchalian

Manila, Philippines – Iginiit nina Senators Gringo Honasan at Sherwin Gatchalian sa Department of Interior and Local Government o DILG, na sampahan na ng kaso ang mga barangay officials na nasa narco list.

Ayon kay Honasan, ito ay kung may malakas na ebidensya na sumusuporta sa barangay narco list na inilabas ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Punto naman ni Senator Gatchalian, halos dalawang taon ng inaantay ang pangako ng DILG na kakasuhan ang mga politikong sangkot umano sa ilegal na droga.


Para kay Gatchalian, ngayon na ang panahon para tuparin ng DILG ang pagsasampa ng kasong kriminal at administratibo laban sa mga narco politician.

Facebook Comments