Manila, Philippines – Pinalilimitahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang biyahe ng mga opisyal ng gobyerno na dumadalo sa mga climate change convention sa ibang bansa.
Sa kaniyang talumpati sa Asia-Pacific Healthy Islands Conference 2018 sa Davao City, iginiit ng Pangulo na tatlong department secretaries at 16 na undersecretaries na ang kaniyang sinibak sa pwesto dahil sa labis na pagbiyahe abroad.
Aniya, lilimitahan na niya sa isa ang ipapadala sa mga climate change convention sa ibang bansa.
Wala rin aniyang kakayahan ang Pilipinas na magpadala ng delegasyon hindi gaya ng ibang bansa.
Facebook Comments