IGINIIT | Buhay ng mga police scalawags, mahalaga rin – CHR

Manila, Philippines – Iginiit ng Commission on Human Rights (CHR) na mahalaga rin ang buhay ng mga ‘ninja cops’ o police scalawags.

Ito ay matapos itinaas ni Pangulong Rodrigo Duterte sa limang milyong piso ang pabuya sa bawat ‘ninja cop’ na sangkot sa ilegal na droga.

Bagaman kahihiyan sa PNP, sabi ni CHR Spokesperson Jacqueline De Guia na hindi solusyon ang pagkitil sa buhay ng ninja cops.


Aniya, dapat pa ring manaig ang due process bilang pagrespeto sa karapatang pantao at rule of law.

Facebook Comments