IIMBESTIGAHAN | Labi ng Pinay na natagpuang patay sa isang hotel sa Saudi Arabia, nakatakdang isailalim sa awtopsiya

Manila, Philippines – Nakatakdang isailalim sa autopsy ang labi ng Pinay Household Service Worker (HSW) na natagpuang patay sa loob ng isang hotel room sa Jeddah, Saudi Arabia.

Ayon kay Philippine Consulate General Edgar Badajos, nakikipag-ugnayan na sila sa mga otoridad para matukoy ang ikinasawi ng Pinay na hindi muna pinangalanan.

Aniya, nakakalungkot ang pagpanaw ng isang kababayan sa hindi pa malamang dahilan.


Sa inisyal na impormasyon ng konsulado, ang nasawing Pinay ay walang asawa, 52 taong gulang at unang dumating sa Saudi Arabia at nanilbihan bilang HSW simula 2007.

Sabi ni Badajos, nalaman lamang ng konsulada ang tungkol sa insidente nang ipagbigay alam ito ng ilang concerned members ng Filipino community doon.

Facebook Comments