Manila, Philippines – Iginiit ng ilang mga kongresista mula sa oposisyon na huwag na munang ipilit ng gobyerno ang charter change o Cha-cha.
Ito ay kaugnay na rin sa lumabas na latest Pulse Asia survey kung saan dalawa sa tatlong mga Pilipino o 67% ang tutol sa pagbabago ng 1987 Constitution habang 74% ang nagsabing kakaunti ang kaalaman o wala talagang alam tungkol sa federalism.
Ayon kay ACT Teachers Representative Antonio Tinio, ipinapakita lamang ng pagpupursige ng Duterte Administration na ang pag-amyenda sa Saligang Batas at pagpapalit ng gobyerno sa pederalismo ay pawang inisyatibo lamang ng mga pulitiko at hindi ng taumbayan.
Sinabi naman ni Akbayan Representative Tom Villarin na dapat gumising na ang matigas na ulo ng Duterte Administration sa malaking porsyento ng mga Pilipinong tumututol sa Cha-cha.
Babala ni Villarin, kung ipipilit ng pamahalaan ang pederalismo, lilikha ito ng dibisyon sa mga Pilipino, political instability at economic crisis.