Manila, Philippines – Sa kauna-unahang pagkakataon, sumalang sa witness stand ng Sandiganbayan 1st division si dating Senador Bong Revilla para sa kanyang kinakaharap na P224.5 million plunder case kaugnay sa pork barrel scam.
Giit ni Revilla, wala siyang tinanggap na kickbacks mula kay Janet Lim-Napoles.
Bagaman at nakita na niya noon si Napoles, sinabi ni Revilla na hindi sila masyadong magkakilala at sa parties lamang nag-krus ang kanilang landas.
Naniniwala naman si Revilla na politically-motivated ang kaso laban sa kanya, lalo at nag-anunsyo siya noon na tatakbo sa pagka-pangulo sa ilalim ng partido niyang lakas-cmd.
Bago ang pagsalang ni Revilla, tumestigo rin ang book keeper ni Napoles na si Mary Arlene Baltazar.
Giit ni Baltazar, walang kickbacks na ibinigay kay Revilla mula sa bogus na Non-Government Organization o NGO ni Napoles.