HALALAN | Dating CJ Sereno, bukas na tumakbo sa pagkasenador

Manila, Philippines – Bukas si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno na tumakbong pagkasenador sa eleksyon sa susunod na taon.

Ayon kay Sereno, marami ang kumakausap sa kaniya hinggil rito.

Aniya, maging si Senador Antonio Trillanes IV ay kinausap siya.


Hindi naman aniya kasama sa mga kumausap sa kaniya ang Liberal Party.

Paglilinaw naman ni Sereno, wala pa siyang pinal na desisyon rito pero may kumausap aniya sa kaniya na mamuno sa isang non-government agency.

Sabi naman ni Pangulong Rodrigo Duterte, wala siyang nakikitang problema sakaling tumakbo sa susunod na eleksyon si Sereno.

Facebook Comments