IGINIIT | Grupo nina Ocampo, aktibong miyembro ng NPA – AFP

157

Manila, Philippines – Iginiit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ang pag-aresto kina dating Bayan Muna Representative Satur Ocampo at ACT Teacher’s Partylist Representative France Castro sa Talaingod, Davao del Norte ay patunay na mga aktibong miyembro sila ng New People’s Army (NPA).

Sina Ocampo at Castro ay kabilang sa 16 na indibidwal na nahuling nagbibiyahe ng 14 na menor de edad.

Ayon kay AFP Chief of Staff, General Carlito Galvez, sila na mismo ang gumagawa ng recruitment dahil kulang na ang kanilang mga tao sa ground.

Binanggit din ni Galvez ang nangyari noong oplan ahos o rebel purge noong dekada ’80.

Idinagdag pa ng PNP na ang mga Lumad school sa Talaingod tulad ng Salugpungan at Alcadev ay breeding ground para sa mga guerilla ng NPA.

Facebook Comments

From Advertisers