MAGHIHIGPIT | Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2018, inilunsad ng LTFRB

22

Manila, Philippines – Inilunsad na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2018.

Tugon ito ng LTFRB sa paglagap ng mga isnaberong tsuper ngayong nalalapit na ang Pasko.

Ayon kay LTFRB Chairperson Martin Delgra III, humingi sila ng suporta sa grupo ng mga taxi at bus operator, mall operator at security administrator sa pamamagitan ng paglagda sa pledge of support and commitment.

Sa ilalim ng programa, mahigpit na ipatutupad ang mga sumusunod:
– Bawal ang pagtanggi sa mga pasahero
– Bawal ang pangongontrata
– Bawal ang sobrang paniningil
– Bawal ang hindi pagbigay ng diskwento sa mga senior citizen at estudyante
– Iprayoridad ang mga matatanda, buntis at may kapansanan
– Mahigpit na seguridad sa mga terminal
– May maayos na pasilidad at CCTV
– Bawal ang paniningil sa palikuran

Parurusan at pagmumultahin ng LTFRB ang mga lalabag sa oplan ngayong Pasko.

Facebook Comments