IGINIIT | Hindi pagpayag na makapagsagawa ng Senate hearing sa loob ng PNP custodial Center, Tama lang – PNP

Manila, Philippines – Nanindigan ang Philippine National Police na tama ang kanilang naging desisyon sa hindi pagpayag na makapagsagawa ng senate hearing ang Committe on Social Justice, Welfare and Rural Development na pinamumunuan ni Senator Leila De Lima sa PNP Custodial Center.

Ito ay matapos ang naging pahayag ni Senator Leila De Lima na mali umano ang nakuhang legal advice ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde at ikinalulungkot nya raw ito.

Ayon kay PNP Spokesperson Sr supt Benigno Durana, ibinatay ni PNP Chief ang kanyang desisyon base na rin sa payo ng mga abogado ng Philippine National Police.


Magkagayunpaman sinabi ni Durana na iginagalang ng PNP ang mga pahayag ni Senator De lima at sinabing bawat abogado ay may kanya kanyang interpretasyon sa batas.

Sa huli dagdag pa ni Durana na ang korte ang magdedesisyon kung dapat na magsagawa ng senate hearing sa PNP Custodial Center dahil wala silang hurisdiksyon para dito.

Facebook Comments