Manila, Philippines – Nagkomento si dating Pangulong Noynoy Aquino sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na pinapahalagahan nito ang buhay ng tao kasabay ng pagbanat sa human rights.
Ayon kay Aquino, hindi maaring paghiwalayain ang human rights at ‘human lives’.
Pinuna naman ni Vice President Leni Robredo ang tila kawalan ng pagpapahalaga ng mga Pilipino sa karapatang pantao.
Hindi rin sang-ayon ang bise presidente sa pahayag ng Pangulo.
Tanong ni Robredo, paano mapapahalagahan ang buhay kung hindi bibigyang importansya ang human rights.
Nabatid na sinabi ng Pangulo sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ay: ‘Your concern is human rights, mine is human lives’.
Facebook Comments