GROWTH RATE | Populasyon ng Pilipinas, pumalo na sa higit 106 million

Manila, Philippines – Umabot na sa 106.4 million ang populasyon ng Pilipinas ngayong taon.

Ayon kay Dr. Juan Antonio Perez III Executive Director ng Commission on Population (PopCom), nasa 1.7 percent ang population growth rate ng bansa ngayon.

Aniya, pumapangalawa ang Pilipinas sa most populous country sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Region at pang-13 sa buong mundo.


Sa kabila nito, sabi ni Perez na hindi pa maituturing na over populated ang Pilipinas.

Base pa sa pagtaya ng PopCom, sa pagtatapos ng 2018 ay madaragdagan pa ng 1.8 milyon ang populasyon ng Pilipinas na katumabas ng 4,965 na Pilipino kada araw 0 206 na sanggol na ipinapanganak kada oras.

Facebook Comments