Manila, Philippines – Kontra si Committee on Justice Chairman Senator Richard Gordon sa panakot ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagbuo ng death squad laban sa News Peoples Army o NPA.
Gayunpaman, naniniwala si Senator Gordon na kaya naisip ito ng Pangulo ay marahil may pagkukulang sa panig ng mga otoridad.
Sa tingin ni Senator Gordon, kailangan pang magpakitang-gilas ang mga pulis, gayundin ang mga sundalo, para mahuli ang lahat ng loko-loko sa bansa.
Mungkahi ni Senator Gordon, paghusayin pa ang pagpapatrulya ng mga pulis at dagdagan ang maximum ang kanilang maximum visibility.
Dagdag pa ni Gordon, dapat din ay itaas ang kalidad ng mga CCTV at hindi mga mumurahin lamang.
Giit ni Gordon, dapat matakot sa mga otoridad ang nagbabalak maghasik ng lagim at dilim sa bansa.