IGINIIT | Importasyon ng galunggong, hindi solusyon sa bumabagsak na suplay ng isda

Manila, Philippines – Buo ang paniniwala ni Committee on Agriculture and Food Chairman Senator Cynthia Villar na hindi malulutas ng importasyon ng galunggong ang suliranin sa tumataas na presyo at umuunting suplay ng isda.

Bunsod nito ay iginiit ni Villar sa Department of Agriculture o DA na pag-isipan ang polisiya sa importasyon ng galunggong na may panganib ding hatid sa kabuhayan ng maliliit na magsasaka at mangingisda.

Diin pa ni Villar, sa halip na umangkat ng galunggong ay makabubuting tangkilikin na lamang ang iba pang uri ng isda na meron sa Pilipinas gaya ng bangus, hasa-hasa, ayungin at iba pa.


Nauna ng iminungkahi ni Villar ang paglalagay ng price ceiling upang mapigilan ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at maglunsad ng no-nonsense campaign laban sa kartel at smuggling.

Facebook Comments