IGINIIT | Inflation rate nitong Hulyo, hindi na dapat ikagulat

Manila, Philippines – Iginiit ng Department of Finance (DOF) na hindi dapat ikagulat ang 5.7% inflation rate nitong hulyo.

Ayon kay Finance Assistant Secretary Tony Lambino, ang 5.7% inflation rate ay inaasahan na at nagsisilbing comparison rate taun-taon.

Pasok pa rin aniya ito sa 5.8% forecast ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).


Lumalabas na mula July 2017 hanggang July 2018 ay pumapatak na nasa ₱0.50 kada buwan lamang ang nadagdag sa inflation.

Ibig sabihin, aabot lamang sa ₱5.70 kada taon ang itinaas ng inflation rate.

Umaasa ang economic managers ng Duterte Administration na babagal ang inflation rate sa ikalawang bahagi ng 2018.

Facebook Comments