Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Win Gatchalian sa Department of Education o DepEd na repasuhin ang K-12 program na nasa ikalawang taon na ng implementasyon.
Ayon kay Gatchalian, mahalagang mai-adjust ang curriculum ng K-12 program upang matiyak na magkakahanap agad ng trabaho ang mga magsisipagtapos dito.
Giit ni Gatchalian sa DepEd, solusyunan ang resulta ng survey na isinagawa ng Jobstreet Philippines noong Abril na 24-porsyento lamang ng Philippine employers ang bukas sa mga magsisi-pagtapos ng K-12 Program.
Bilang chairman ng Senate Sub-Committee on Education Reform, ay plano din ni Gatchalian na magsagawa ng pagdinig ukol sa sistema ng edukasyon sa bansa.
Target ng ikakasang pagdinig ni Gatchalian na mabatid ang dahilan kung bakit mababa ang bilang ng mga nagsipagtapos ng K-12 program na nagkakaroon ng trabaho.