IGINIIT | Kapalaran ng road board, nasa kamay ni PRRD

Manila, Philipppines – Iginiit ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na nasa kamay ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kapalaran ng road board.

Paliwanag ni Drilon, bahala si Pangulong Duterte kung pipirmahan o ibabasura ang ipinasang panukala na bumubuwag sa road board.

Pahayag ito ni Drilon makaraang magsalpukan ang dalawang kapulungan dahil sa nabanggit na panukala na unang ipinasa ng Kamara at inadopt ng Senado.


Pero ngayon binabawi ng Kamara ang pagpasa sa panukala na ayon kina Senate President Tito Sotto III at Senator Panfilo Ping Lacson ay hindi pwedeng mangyari.

Idinagdag pa ni Drilon na wala ng hurisdiksyon ang Kamara sa nabanggit na panukala dahil naisumite na ito sa Senado.

Ugat ng pagbuwag sa road board ang umano ay iregularidad sa paggastos ng kinokolekto nitong motor vehicle road user’s tax.

Facebook Comments