Manila, Philippines – Isang magandang balita para kay Senator JV Ejercito ang desisyon ng Department of Justice o DOJ na sampahan ng kaso ang pinaghihinalaang rice smuggler na si Davidson Bangayan at limang iba pa.
Ang kaso ay may kaugnayan sa umano ay pagmaniobra sa bidding para sa pag-angkat ng bigas noong 2014 na nagdulot ng pagtaas sa presyo ng bigas.
Diin ni Senator Ejercito, sa wakas ay mayroon ng maituturing na “malaking isda” na kakasuhan sa ilalim ng anti agricultural smuggling law.
Giit ni Ejercito, dapat siguradunin ng DOJ na malakas ang kasong isasampa laban kay Bangayan.
Diin ni Ejercito, bukod kay Bangayan, dapat matiyak na lahat ng sangkot sa kaso ay mapaparusahan.
Facebook Comments