IGINIIT | Localized peace talks, hindi solusyon sa armed conflict sa bansa

Manila, Philippines – Iginiit nila ACT Teachers Reps. France Castro at Antonio Tinio na isang panlilinlang lamang ang planong localized peace talks o pakikipag-usap sa mga miyembro ng NPA sa bawat rehiyon.

Ayon kina Castro at Tinio, hindi masosolusyunan ng localized peace talks ang ugat ng armed conflict sa bansa.

Layunin lamang umano ng localized peace talks na pasukuin ang mga lumalaban para sa pangmatagalang kapayapaan at hindi ang resolbahin ang matagal nang ugat ng problema sa pagrerebelde sa pamahalaan.


Pinagtatakpan lamang ng localized peace talks ang nakanselang negosasyon sa NDFP dahil sa mga imposibleng kondisyong inilatag sa grupo.

Bukod dito, sa halip na isulong ang mga social economic reform na nakapaloob sa Comprehensive Agreements on Social and Economic Reforms (CASER) na una nang napagkasunduan ng pamahalaan at NDF, mas maraming kondisyon ang inilatag na pumapabor lamang sa pamahalaan.

Facebook Comments