Manila, Philippines – Pinawi ng Malacañang ang pangamba ng mga pulitikong kasama sa narcolist ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay kasunod ng planong pagsasapubliko ng Dangerous Drugs Board (DDB) sa mga pangalan ng narco politicians
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, wala pa namang basbas mula sa Pangulo ang nasabing balak ng DDB.
Aniya, may paraan naman para patunayan ng mga ito na mali ang pagkakasangkot ng kanilang pangalan sa iligal na droga.
Sabi pa ni Panelo, hindi naman maituturing na hatol ang narcolist sa mga pulitiko.
Facebook Comments