IGINIIT | Masamang epekto ng reenacted budget mababawasan kung agad na maipapasa ang 2019 budget

Manila, Philippines – Umaasa si Budget Secretary Benjamin Diokno na tatapusin ng mga mambabatas ang deliberasyon sa 2019 national budget pagkatapos ng kanilang Christmas break na matatapos sa January 14.

Sinabi ni Diokno, sana pagkatapos ng bakasyon ng mga mambabatas at magiging mas masigla ang mga ito at maipasa ng mabilis ang national budget dahil tila pagod na ang mga ito ngayong Disyembre.

Habang umiiral aniya ang reenacted budget ay siguradong apektado ang public capital formation na posibleng mauwi sa pagkawala ng trabaho ng maraming Pilipino at paglala ng kahirapan sa bansa.


Kaya naman kung maagang maipapasa aniya ang 2019 budget ay mababawasan ang negatibong epekto ng reenacted budget sa ekonomiya ng bansa.

Facebook Comments