IGINIIT | Mga ayuda sa ilalim ng TRAIN 1, dapat munang tuparin bago pag-usapan ang TRAIN 2

Manila, Philippines – Iginiit ni Senador Bam Aquino sa pamahalaan na ipatupad nang kumpleto ang mga ayuda sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law bago pa pag-usapan ang pagsasabatas ng TRAIN 2.

Ayon kay Aquino, hindi pa nakukumpleto ng gobyerno ang pagpapatupad ng unconditional cash transfer program o tulong sa mga mahihirap na pamilyang apektado ng TRAIN 1.

Binanggit din ni Aquino ang Pantawid Pasada Program, na tulong sa jeepney operators at drivers sa harap ng pagtaas ng presyo ng petrolyo na pinatawan ng dagdag na buwis sa ilalim ng TRAIN 1.


Katwiran ni Aquino, mahirap maka-move-on sa TRAIN 2 habang maraming Pilipino pa ang pinapahirapan ng TRAIN 1 dahil hindi pa naipapatupad ang mga programa para sa mga nasagasaan nito.

Facebook Comments