IGINIIT | Mga mayayaman, kailanman ay hindi hahalikan ang mga mahihirap – PRRD

Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na kailanman ay hindi hahalikan ng mga elitista o mayayaman ang mga mahihirap.

Paliwanag ng Pangulo – nakakatakot ang mga ito na mabahiran ng dumi ng mababang sektor ng lipunan.

Iginiit din ng Pangulong Duterte na walang masama sa pagbibigay ng halik sa ibang tao, nabibigyan lamang aniya ito ng malisya.


Dagdag pa ni Duterte, hindi niya hahalikan ang mga mayayaman at sa halip ay mas gusto pa nitong sumama sa mga mahihirap.

Nanindigan din ang Pangulo na maging ang ilang pulitiko ay hindi naiintindihan ang dynamics ng kanyang pagiging malapit sa mga mahihirap.

Facebook Comments