Manila, Philippines – Naniniwala si dating MMDA Chairman Bayani Fernando na dapat ang mga poste sa national road at inner road na nakahambalang ay tanggalin at dapat ay iisa na lamang ang magtatayo ng mga poste sa lansangan.
Sa ginanap na forum sa Tapatan sa Manila kinatigan ni dating MMDA Chairman Fernando ang mungkahi ni dating MMDA Chairman Benjamin Abalos na ang isa sa pangunahing problema sa trapiko ay mga nakahambalang na mga poste.
Ang isa sa mga solusyon na nakikita ni Fernando ay dapat ay isa nalamang ang makapagtayo ng poste at lahat ng mga utilities ay kailangang magbabayad lamang sa Meralco kung sila ang atasan na magtatayo ng iisang poste.
Paliwanag ni Fernando na nireresolba na niya ang naturang problema at pinulong ang lahat ng mga utilities para resolbahin ang problema ng sangkaterbang mga poste sa mga lansangan.
Giit ng dating MMDA opisyal na ang kulang ay koordinasyon dahil nagkanya kanya ang mga ito na dapat maalis lahat ng mga nagkahambalang para maisalba naman ang Metro Manila dahil hindi bumubuti ang trapiko at lalo pang lumala ito.