IGINIIT | Nasa likod ng rescue mission sa OFWs sa Kuwait, pinapasibak

Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Kiko Pangilinan ang pagsibak sa sinuman na nasa likod ng rescue mission sa ilang Overseas Filipino Workers of OFWs sa Kuwait.

Ang naturang rescue operation ng Philippine diplomatic staff ang ugat ng galit ngayon ng Kuwaiti government kay Ambassador Renato Villa.

Sabi ni Pangilinan, dapat ding sibakin maging ang mga nagbigay ng maling payo kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa isyu.


Pinapakastigo din ni Pangilinan pati ang mga opisyal ng ating gobyerno na nakikipag-usap sa mga leader ng pamahalaan ng Kuwait para mapawi ang tensyon at resolbahin ang lumalalang sitwasyon.

Facebook Comments