Tsuper na Nagtatago sa Batas, Arestado sa Santiago City!

Santiago City, Isabela – Nadakip na ng Santiago City Police Station 1 ang lalaking may kasong kinakaharap dakong alas otso kaninang umaga sa barangay Buenavista, Santiago City.

Ang suspek ay kinilalang si Percival Rizo, trentay sais anyos, may asawa, tricycle driver at residente ng naturang barangay.

Si Rizo ay nadakip ng Santiago City Police Station kasama ang iba pang otoridad sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Genevie Ande-Ewangan ng MTTC Branch 1, Santiago City dahil sa kaso nitong Reckless Imprudence Resulting in Damage to Property.


Hawak na ng PNP Santiago City ang suspek at pansamantalang makakalaya kung makakapaglagak ito ng piyansang nagkakahalaga ng labing anim na libong piso.

Facebook Comments