Manila, Philippines – Pasado kay Committee on Labor Chairman Joel Villanueva ang 25 pisong dagdag sa kada araw na suweldo ng mga minimum wage earner sa National Capital Region (NCR).
Pero, iginiit ni Villanueva na mas mainam kung ibababa sa 10 percent ang kasalukuyang 12 percent na value added tax (VAT) o buwis na ipinapataw sa mga serbisyo at produkto.
Paliwanag ni Villanueva, kahit suspendehin ang nakatakdang dagdag na buwis sa langis sa unang tatlong buwan ng 2019 ay mananatili pa ring mataas ang presyo ng mga bilihin dahil sa VAT.
Dahil dito aniya, ang mataas na inflation rate ay patuloy na mararamdaman ng pangkaraniwang mamamayan kahit madagdagan ng kabubuang 537 pesos ang kanilang buwanang sahod.
Facebook Comments