IGINIIT | Pabago bagong pahayag ng proseksyusyon laban kay Sen. De Lima, iginiit ng kampo ng Senadora

Manila, Philippines – Sa preliminary conference na isinagawa ngayong hapon sa Muntinlupa RTC branch 205 kaugnay sa criminal case number 17-166 na isinampa ng VACC laban kay Senator Leila de Lima na may kinalaman sa Conspiracy to Trade Illegal Drugs, iginiit ng kampo ng senadora ang pabago bagong pahayag ng prosekyusyon.

Ayon kay Atty. Filibon Tacardon, abogado ng senadora, March 2017 pa nang mismong si Prosecutor Peter Ong na ang kumilala na walang kaugnayan o hindi magkamaganak si Senator Leila de Lima at ang co accused nitong si Jose Adrian Dera, na ayon sa mga druglords na sina Hans Tan at Peter Co, ay siyang pamangkin at aide ng Senadora na nangingikil sa kanila ng pera at sasakyan.

Ngunit, sa pagdinig aniya kanina, ay pinabulaanan ng prosekyusyon na kinikilala nila ang kawalang uganayan ni de Lima at Dera.


Matatandaan, sa sinumpaang salaysay ni Dera noong March 2017, sinabi nito na isa siyang Action Agent ng PNP, na ginagamit upang mapasok at mabisto ang kalakaran ng mga drug lord sa Bilibid.

Facebook Comments