IGINIIT | Pag-angkin ng China sa teritoryo ng Pilipinas fake news of the century – Carpio

Manila, Philippines – ‘Fake news of the century’

Ito ang sinabi ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio sa ‘nine-dash’ line claim ng China sa West Philippines Sea.

Muling iprinisinta ni Carpio ang mga lumang mapa na pinanghahawakan ng Pilipinas kaugnay ng isyu ng agawan ng teritoryo.


Ipinapakita nito na bahagi ng Pilipinas ang Scarborough o Panatag Shoal at Spratly Islands.

Ayon kay Carpio – ang mga sinaunang mapa ang nagpapatunay na kailanman ay hindi nakontrol ng China ang West Philippines Sea.

Gusto lamang aniya nito angkinin ang teritoryo dahil mayaman ito sa methane hydrates na itinuturing niyang ‘fuel of the future’.

Facebook Comments