IGINIIT | Pagbibitiw bilang opisyal ng pamahalaan, hindi dahilan para huminto sa pagtulong sa kapwa – Bong Go

Manila, Philippines – Binigyang diin ngayon ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go na hindi hihinto ang pagtulong niya sa mamamayan kahit wala na siya sa Pamahalaan.

Sinabi ni Go sa isang interview, resigned na siya bilang opisyal ng Pamahalaan pero hindi naman siya nagbitiw sa patulong sa mga nangangailangang Pilipino.

Tiniyak ni Go na kahit sa kanyang pribadong kapasidad ay patuloy siyang magaabot ng tulong tulad ng mga nasunugan at maging sa mga nangangailangan ng medical assistance.


Nabatid na nito lamang ay binisita ni Go ang mga nasunugan sa Caloocan kung saan nagbigay ito ng mga School Uniform, Sapatos, pagkain konting financial assistance at iba pang pangangailangan ng mga nasunugan.

Facebook Comments