IGINIIT | Pagbibitiw ni Jason Aquino, hindi sapat para maresolba ang krisis sa bigas

Manila, Philippines – Para kay Senator Kiko Pangilinan, magandang hakbang ang pagpapatalsik kay National Food Authority o NFA Administrator Jason Aquino.

Pero giit ni Pangilinan, marami pa rin ang dapat gawin para mapigilan ang pagtaas ng presyo ng bigas.

Mungkahi ni Pangilinan, sampahan ng kaso si Aquino, huwag i-recycle at i-reappoint sa ibang pwesto sa gobyerno.


Sabi ni Pangilinan, mainam na aminin ng pamahalaan na may krisis sa bigas at ipaliwanag ang mataas na presyo nito.

Ikinatwiran ni Pangilinan na kahit mayroong bigas sa merkado, ang kailangan ng tao ay ang presyo nito na abot ng kaunti nilang kita.

Facebook Comments