IGINIIT | Pagdakip sa mga tambay, walang kinalaman sa Martial Law – PNP

Manila, Philippines – Iginiit ng Philippine National Police na wala namang bago sa ginagawa nilang panghuhuli ng mga nakatambay sa kalsada sa dis oras ng gabi.

Ito ang tugon ni PNP Chief Oscar Albayalde, sa pangamba ng publiko na panimulang hakbang ang panghuhuling ito sa deklarasyon ng Martial Law sa bansa.

Ayon kay Albayalde, walang katotohanan ito, lalo’t ang pinakarason lang naman ng panghuhuling ito ay para sa seguridad at kapayapaan.


Iginiit rin ni Albayalde na ang mandato niya sa mga commanding officer ay ang tiyakin na naipatutupad ang human rights.

Aniya, sa oras na mapatunayan at ma- verify na hindi naman talaga tambay ang isang nadakip, agad itong pakakawalan ng mga pulis.

Facebook Comments