IGINIIT | Paglaban sa jueteng wala pa sa prayoridad ng Pangulo

Manila, Philippines – Walang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na palakasin ang paglaban ng Pamahalaan sa illegal Gambling partikular ang jueteng.

Paliwanag ni Pangulong Duterte, wala pa siyang pamalit sa jueteng kaya ano ngayon ang kanyang magagawa.

Sinabi pa ng Pangulo, kung walang jueteng walang economic activity sa mga lokalidad pero kung mayroon, may ibang gutom pero yung iba naman kumakain at mayroong economic o commercial activity.


Paliwanag pa ng Pangulo, kung hindi niya ito mapapalitan ng mas malakas na lotto ay hahayaan nalang niya muna ito dahil nandyan na naman na aniya at hindi naman aniya mahuhuli lahat.

Sa kabila nito ay binigyang diin ni Pangulong Duterte na ayaw na ayaw niya sa gambling o sa kahit anong klaso ng sugal.

Pero sinabi din naman ni Pangulong Duterte na pinag-uusapan na ng mga gabinete ang pagbuo ng isang sistema kung saan kikita ang gobyerno pero nakakaiwas sa sugal.

Facebook Comments