TRENDING | Restaurant sa China, mayroong propesyunal na taga balat ng hipon

China – Isang kainan sa Central Huangpo District, China ang trending ngayon sa social media dahil sa pag o-offer ng serbisyo ng mga propesyunal na tagabalat ng malalaking hipon.

Manila, Philippines – Kilala ang kainan bilang isang sikat na tambayan ng mga mahilig maglaro ng mobile games na nagre- require ng dalawang kamay.

Dahil dito, naisip ng may-ari ang ideyang ito upang hindi na pahirapan ang kanilang customers, kaya at nag-hire sila ng mga magagandang taga-balat ng seafoods.


Ayon kay He Nanxin, empleyado ng kainan, halos 100 crayfish ang kinakailangan niyang balatan sa isang araw, kung saan kumikita siya ng 10,000 yuan o P75,000 kada buwan.

Facebook Comments