IGINIIT | Paglilipat kay Lapeña sa TESDA – hindi sapat ayon kay VP Robredo

Manila, Philippines – Inirerespeto umano ng kampo ni Vice President Leni Robredo ang paglilipat kay dating Customs Commissioner Isidro Lapeña sa TESDA.

Pero ayon sa Bise Presidente, hindi sapat na ilipat lang sa ibang opisina ang mga nagkulang sa kanilang tungkulin.

Aniya, dapat na magsagawa ng mas malalim na imbestigasyon hinggil sa umano ay nakapuslit na P11-billion shabu shipment sa BOC at panagutin ang mga sangkot at nagkaroon ng kapabayaan dito.


Samantala, nauna nang sinabi ng Malacañang na wala silang nakikitang dahilan para panagutin si Lapeña.

Katwiran ni Presidential Spokesman Salvador Panelo – hindi naman si Lapeña ang nagpalusot sa mga magnetic lifter na may lamang shabu kundi ang mga nangangasiwa sa x-ray machine.

Facebook Comments